How To Cope With The Gilas Gold Medal Loss

A lot of us Gilas fans are sulking in sadness over the finals match loss to China. It's a "Sunday Mourning" back in the Philippines.

But we can't be dwelling on this for the rest of time. Monday and a new week is at hand. And it means we all need to go back to business. But how, when the 11-point drubbing is just too fresh in our memories? When what preoccupies our minds right now is the lost chance to go back to the Olympics.

So here's how we can go about with this stinging loss.


Yes we heard it a lot of times. Ano pa ba magagawa natin. Kung hindi ang harapin ang katotohanan. Napanood naman natin yung laro at wala na tayong magagawa. Ganun talaga ang resulta. Kaya patahanin na yung kumpare mong wala nang ginawa kundi ngumuynguy sa kuwarto niya buong magdamag (problema lang baka kasi may kalakihan ang pusta nya.)


'Wag mong kimkimin yung sama ng loob mo. Okay naman mag-rant paminsan-minsan (diba Mike Burtscher?). Tamang express lang. Para wag naman maipon sa loob. Magiging stress lang yan, at pag nabuo, baka maging cancer cells (teka, parang narinig ko na 'to kay Aga Muhlac noon). So sige, go, i-tweet mo na yung sama ng loob mo. Pero make sure yung hindi ka maba-ban ni Commissioner Narvaza. I-update mo na status mo sa FB na grabe yung lungkot mo na tipong out-of-this-world melancholy at hindi mo ma-explain. Pag ginawa mo yan, panigurado mare-realize mo, you are not alone in this. Remember misery loves company!


This is also the time when the trolls are in higher spirits. Kilala at alam mo naman kung sino yung mga troll sa Disqus, forums at mga social media (kung hindi i-search mo sa Disqus si JasonPeter Todd at matutulungan ka n'ya sa ganitong bagay). Kaya and pinaka-okay eh, deadmahin mo nalang sila. Huwag mo nang patulan. Pati yung kapitbahay mo na may-ari ng Golden Dragon Hardware sa kanto, 'wag mo na muna kausapin pansamantala.


At one point you'll realize that it would have been better if you were not a Gilas fan at all. O'nga naman ano, wala ka sanang pinu-problema ngayon. But that's how you will feel after this earth-shaking loss to China. Kamukha ng pag-ibig, eh dapat no regrets nalang teh. Ang mahalaga nagmahal tayo. Ang mahalaga nag-alay tayo ng suporta at kung anu-ano pang memes para sa Gilas Pilipinas. So forget about having regrets. It will only make you feel bad, or worse.


At this point it will help to look back at happier days. Reminisce the times we beat Iran, that Happy Monday we had almost a week ago. Or how about pagmasdan mo uli yung buhok nung Indian coach. Baka sakaling makapagbigay ng ngiti saiyong mga labi! O di kaya'y ang panalo natin sa Lebanon na hindi naman naging Easy-Easy diba. (Hindi ko naman sina-suggest na i-backread n'yo yung mga previous blog entries ko, ano ha *wink*wink.) Good memories will surely help you feel a lot better.


Hindi ko naman sinasabing ka-cheap-an o kababawan ang sumuporta sa Gilas (ehem, Leah Salonga, ikaw ba yan). Mahalaga ang Gilas experience. Halos maisama na nga natin siya sa Maslow's Hierarchy of Needs eh, nitong nakaraang isang linggo. Pero let's be realistic as well. We have jobs. We have schools. We have a home and family to take care of. At mahahalaga sila para sa atin. We need to focus our energy on these things from now on. And little by little these basketball scars may just find its way to healing.


Kung sakaling nasa bahay ka pa din at nagmumukmok, aba'y talagang sobra kang malulungkot. Turn off the wifi. Stop social media for a while. And go out. If you have a significant other, then have a date. Same thing if you have a family, pasyal pasyal din. Hindi naman kelangan gumastos. Go to church together, and give thanks for the wonderful Gilas joyride we just had.


Lastly, let's all be positive for Philippine Basketball. This should lift our spirits up na back-to-back silver medalists tayo sa Fiba Asia. And we have a very exciting basketball activities coming up, namely the PBA, NBA. Of course we're in the thick of things in college hoops in the Philippines. So there's so much basketball going to happen in the next days to come. Finally, we have a good reason to look forward to having a better, much improved and an awesome Gilas 4.0 in the very near future!

Laban Pilipinas! Move On!



... follow @labapilipinas on twitter for some sports laundering!

Comments

Popular Posts