Tatak Standard, Tibay Standhardinger



Tapos na Jones Cup 2017 at masaya tayo’t buhay na uli ang pambansang koponan (at siyempre ilang kembot nalang #FIBAAsiaCup2017 na rin).

Pero may nagtanong, “Pare, sino ba yung bagong Fil-Am dun sa Gilas?”

Siyempre excited naman akong nag-reply, “Ah, tubong Germany yun, brad, pero Pinay ermats nya! O'sha, at magsasampay pa ako.”

Naku, humirit pa uli yung kausap ko, “Ahhh, GERMANY pala yung bagong Fil-Am natin! Astig pare! O siya, byahe na ako!”

😳  πŸ˜± πŸ˜‚ 😜 

Siyempre alam na ng lahat ang tinutukoy natin dito. Sino pa kundi ang matagal nang pinaguusapan ng mga chismoso sa basketball patungkol sa isang Gilas prospect na Fil-foreigner—o Fil-German (o Fil-Germ, walaaang tulugan! Basta wag na yung "Fil-Am na Germany, este, German" ha? 😜 ). 

Walang iba kundi si Christian. Si, uhm, Christian...

Standard...

Uhm, Stand-ha…

Christian Stan…

...Bautista, punyemas! 😀 Basta may mala-Rey Langit na “ngerrr” sa dulo. Ano ba naman kase, ang haba eh at sala-salabat ang mga titik. Hindi nalang ginamit yung "Hermoso" na apelyido ng Nanay nya!

Teka, magkaroon nga muna tayo ng maikling pag-aaral paano bigkasin ang apelyido ni Christian.

Kung mapapansin natin sa mga alingasngas sa social media, samu’t sari ang mga hindi wastong pagbabaybay ng apelyido ni Christian. Meron dyan:

Standinger.

Stardinger.
Hardinger.
Standerwariwapbaduwap.
Standercats.
Standinggerzi!

Pansin naman natin kahit ang mga beteranong sportscaster eh, sobrang nag-effort din mabigkas nang maayos at wasto ang kanyang pangalan. Minsan nga nag-slowdown pa sila sa pag-sambit. May ibang sumasabit pa rin. At sa haba ng kanyang apelyido sa malamang nagrereklamo din ang gumagawa ng uniporme ng Gilas. 😜

So pano nga ba. Para hindi tayo malito. May apat na syllables o pantig na nahahati sa ganito:
STAND—HAR—DIN—GER
May kahabaan di ba? Kaya't kailangan ng ibayong effort. Huminga. Rumelax. Magpa-parlor. Magpamasahe. Ayan. Ready?

Sa unang atake pagsasabayin mo na agad yung dalawang pantig. Kaya't bibigkasin mo: “Stand Hard” (Tandaan, parang sinabi mo lang nang matikas, nang may angas: "Tumayong Matigas!" Wag lalambot-lambot! Stand hard! Sakto din dun sa player na'to eh, noh?) πŸ’ͺ

Sabay susundutin mo ng mala-doorbell na tunog ng: “Diiing” (Wag na dudugtungan ng "Ang bato!" kung ayaw mong ma-tokhang.) 😱

At tatapusin mo ng mala-beking bitaw ng: “Gurrr” (Korek, parang sinabi mo lang yung favorite na tawag mo sa tropa mo, “Hoy gurl, pautang nga!”) πŸ˜

So ganun lang. Andaling tandaan. Ulit-ulitin at sigurado makakabisado mo rin!

Ngunit kung gusto mong mas makasiguro, maari mong gayahin si Christian sa saktong pag-pronounce ng kanyang apelyido dito.

Nevertheless what's more important is the name written on front of the jersey, than the one at the back. Ohyeah! 😎

...follow @labapilipinas on twitter for more sports laundering!

Comments

Popular Posts